April 11, 2018
Noong bata ako, maging guro ang pangarap ko
Dahil sa kahirapan at distansya ng paaralan
Ang aking pag-aaral ay napabayaan
Ako’y naniniwala sa kasabihan
Ang edukasyon ay susi upang makaahon sa kahirapan
Alternative Learning System ay isang programa
Na nagbukas muli sa aming pag-asa
Bilang isang ilaw ng pamilya,
Kailangan ng mga anak ko ang pag-aaruga
Ang tanong ko sa aking sarili, paano ko ito makakaya?
Ang tanging mahalaga
Ay ang tiyaga, tiwala at pananampalataya
Ito ang aking sandata upang ang Accreditation and Equivalency ay makuha
Lumabas ang resulta kami ay pumasa
At napaluha sa sobrang saya
Grade 11 ang susunod naming tatahakin
Ano mang danasin, ito ay kakayanin
Sa pamamagitan ng pagdarasal na mataimtim
Makamit ang mithiin
Ang Isabela ALS Passers
Nagpapasalamat sa aming ALS teachers
Dahil sa kanilang debosyon
Lalong-lalo na kay Dr. Hilda U. Babon
Nang dahil sa kanila, kami ay makatatanggap ng diploma
Tinawid namin ang karagatan
Marating lamang ang City Coliseum ng Tetuan
Sapagkat nais naming masilayan
Ang mga lider na may busilak na puso’t isipan
Mula sa kaibuturan ng aming puso
Maraming salamat po sa inyo
END