Marami mang mapapait na karanasan ang sumubok kay Mark Angelo I. Espineda II at sa kanyang mga pangarap, nanatili ang kanyang pagpupursigi, pagmamahal sa pagluluto, at paniniwala sa kanyang mga kakayahan. Ayon kay Mark, ito ang mga sangkap sa kanyang pagtatagumpay.
Nakapagtapos si Mark ng technical-vocational track specialized in home economics sa Matanos National High School, sa Division of Island Garden City of Samal. Sa kasalukuyan, isa siyang college student ng Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education.
Ang kuwento ng buhay ni Mark ay hindi nalalayo sa mga kuwento ng kapwa niyang mag-aaral na nagsisikap upang makapagtapos ng pag-aaral. Marami siyang pinasok na part-time jobs sa loob ng mga restaurants at pinagsabay rin niya ang pag-aaral at pagtatrabaho upang may pangtustos sa pangangailangan niya at kanyang pamilya.
“I wore all the things that I learned so that I can face the experiences waiting in an actual situation but when I stepped into the real world, I felt being a beginner. That time, my confidence was shattered. It seemed like cooking is not meant for me,” ani Mark.
Nagkaroon siya ng oportunidad upang maging isang manager ng isang restaurant ngunit binitawan niya ito upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makapag-focus sa kanyang tunay na pangarap, ang pagluluto.
“As I am now taking steps to become a teacher one day, I want to motivate my future learners to enhance the skills that they possess. I want also to be an example as someone who strives hard and never, at least once, thinks to surrender,” dagdag niya.
Sa ngayon, patuloy sa pag-aaral ng kolehiyo si Mark at nais niyang maging isang inspirasyon sa kanyang mga magiging mag-aaral na ang mga hamon, ang mga balakid, at ang mga problema ng ating kinakaharap ay mga sangkap upang malasap natin ang ating tagumpay.