Isang malikhain, makakalikasan, at inobatibong solusyon ang binuo nina John Paul Ralloma, Grade 8 learner, Ma. Socorro M. Lozano, Teacher III, at Sonny D. Valenzuela, School Head ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa Balut, Tondo, mula sa mga basurang plastic at buhok.
Nakita nila ang lumalaking problema ng basura at kakulangan sa maayos na daan sa kanilang lugar kaya naman umisip sila ng paraan upang kahit papaano ay masolusyunan ito.
β€œGrowing up po, tinatanong ko na po talaga sa parents ko paano nadi-dispose yung mga basura. We came up to this invention para na rin po makatulong dito sa community namin sa Balut, Tondo, which is near the smokey mountain,” ani John Paul.
Sa tulong ng talento at galing, nilikha nila ang β€˜HAIRPLASTICBLOCK: Pavement Block using Low Density Polyethylene Plastic (LDPE) and Human Hair Waste as Alternative Aggregates’ o isang uri ng bloke ng semento na maaaring gamitin sa paggawa ng mga daanan. Binubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng pininong used plastic bags at buhok, at semento.
β€œAng goal namin, makatulong sa pagbawas ng garbage dito sa ating kapaligiran, at the same time, nakikita rin namin β€˜yong potential nitong project na ito. It could be mass-produced, pwede itong makatulong sa mga community,” dagdag ni Teacher Ma. Socorro.
Ang imbensyon nilang ito ay umani ng mga parangal mula sa iba’t ibang award-giving body sa iba’t ibang bansa tulad ng Bronze Prize mula sa National Research Council of Thailand, Special Award of Excellence Invention Plaque mula sa Kemeterian Pendidikan Malaysia, Diploma Special Award mula Haller Pro Inventio Foundation sa Poland, at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng grupo kung paano mas mapapaunlad ang nasabing hairplastiblock tulad ng paglalagay ng kulay at iba’t ibang hulma nito upang mas maging angkop at kapaki-pakinabang sa komunidad.
END