Upang mas bigyan pa ng pagkakataon mahasa ang pagbabasa ng mga kabataan sa kanilang lugar, inilunsad ng Schools Division of Calamba City ang Project HELOW o Highly-Enhanced Library-on-Wheels.Β Β
Sa pangunguna ni Dr. John Carlo A. Paita, ang Education Program Supervisor-in-Charge ng Learning Resource Management and Development Section, ang Project HELOWΒ ay isang mobile library na gawa sa isang converted DepEd van na lumilibot sa mga paaralan sa kanilang dibisyon tuwing Miyerkules. Sa kasalukuyan, lumilibot at bukas ito sa 73 pampublikong paaralan sa buong dibisyon.Β
βNagsimula ang project HELOW sa paglalayon ng SDO Calamba City na mas mailapit ang library services at reading program nito sa mga malalayong paaralan na hindi maabot ng mga serbisyong hatid ng dalawang library hubs na mayroon ngayon ang Dibisyon dahil sa distansya nito sa mga nasabing paaralan,β pahayag ni Dr. Paita.Β Β
Ilan sa mga serbisyong hatid ng project HELOW ay (1) theme reading at one-on-one reading tutorial kung saan mismong division at district supervisors at iba pang SDO officials ang nagpapabasa sa batang non-readers ng bawat paaralang pinupuntahan; (2) e-reading experience, sa tulong ng makabagong teknolohiya ay hinahasa ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral gamit ang educational devices at mobile applications; at (3) storytelling, film viewing, access to electronic resources at book borrowing gamit ang online book borrowing system.Β
Sa gabay at liderato nina SDS Gerlie M. Ilagan at ASDS Jaypee E. Lopo, sinimulan ang pagpapatatag ng proyekto sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga magulang upang maging katuwang sa Project HELOW. Plano rin nila na palawigin pa ang proyekto upang maging ang mga out-of-school-youth ay maserbisyohan ng mobile library.Β
ENDΒ