Iwinagayway ng Grade 10 student-researchers na sina James Cedrick F. Zamudio, James Alfred Z. Flores, Lloyd Archie S. Acero, James Carlo T. Ilan, at Research Teacher and Coach Isagani F. Musa ng Basud National High School (BNHS) sa Camarines Norte ang bandila ng Pilipinas nang kilalanin ng SEAMEO STEM-ED at STEM Project Competition ang kanilang proyekto na tutugon sa climate change at tutulong sa kabuhayan ng mga magsasaka.Β
βHindi namin lubos inaasahan na kamiβy mananalo sa kompetisyong ito lalo naβt higit 400 na aplikante mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia ang sumali sa kompetisyon na ito at 30 lamang ang pipiliin. Kami ay lalong nasiyahan noβng nalaman namin na isa ang aming grupo sa top 5 na pinakamahusay na research projects,β ani James Carlo.Β
Binuo ng grupo ang proyektong Solar Powered SMART Arduino-Based Aquaponics System, isang paraan ng pagpapatubo ng mga gulay at halaman sa tubig at pagpapalaki ng isda sa iisang lugar o farm, na pinapagana sa tulong ng solar power at mga sensors na tumutulong sa monitoring ng farm dahil ito ang palagiang magbibigay ng impormasyon sa mga magsasaka sa pamamagitan ng SMS.Β
Ang nasabing proyekto ay makatutulong sa pangangasiwa at monitoring ng mga sakahan, makatugon sa problema ng climate change sa agrikultura, at mabawasan ang bayarin at konsumo sa kuryente ng mga magsasaka.Β
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng grupo kung paano ito gagawin sa mas malaking farm upang mas maraming pananim at isda ang maani rito.Β
Ibinahagi naman ni Coach Isagani na ang pagsali ng team sa patimpalak ng pananaliksik sa Thailand ang kauna-unahang pagkakataon ng mga bata na magkaroon ng international exposure sa larangan ng STEM.Β
Pinatunayan ng grupo, sa gabay ni Coach Isagani, na mahalaga ang pagsali sa mga kompetisyon tulad ng STEM Project Competition sapagkat napapakita nito ang mahahalagang gampanin ng STEM hindi lamang sa paaralan kundi sa komunidad at bansa.Β
ENDΒ