Dalawang tandem ng guro at mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School sa Balut, Tondo ang lumikha ng kapaki-pakinabang na imbensyon na tinawag nilang β€œe-frontliner robot at breathing assistant automated mechanical ventilator.” 

Likha nina Teacher Marisol D. Payra at Angela Mae Mojica, isang Junior High School learner ang e-frontliner robot na nagamit noong pandemya sa pagtanggap at pagdi-distribute ng mga modules ng mga mag-aaral.Β Β 

Gumagana ito gamit ang Bluetooth to Bluetooth connection ng device at ng robot. Gamit ang isang application, maaari itong gumalaw at maaaring sumunod sa command upang magbukas ang mga drawer nito para sa pagkuha o paglalagay ng mga dokumento. Mayroon itong attached UV sanitizer at automatic alcohol dispenser para sa kaligtasan ng mga tao.Β Β Β 

Samantala, likha naman nina Teacher Edita Gamboa at mga mag-aaral na sina Ashley Cabrera at Aijie Gado ang breathing assistant automated mechanical ventilator na naglalayong makatulong sa pagresponde sa mga pasyenteng nahihirapan sa paghinga tulad ng may mga COVID-19 at asthma. Magagamit ang automated mechanical ventilator sa tatlong intensity depende sa pasyente kung ito ay infant, child, o adult.Β Β 

Ang mga inobatibong imbensyon na ito ay nabuo kasama ang kanilang Punongguro na si G. Sonny D. Valenzuela, na Pangulo rin ng Manila Young Inventors Association.Β Β 

Umani ang kanilang mga imbensyon ng mga parangal mula sa iba’t ibang award giving-body sa iba’t ibang bansa tulad ng National Research Council of Thailand, Kemeterian Pendidikan Malaysia, at marami pang iba.Β Β 

β€œMalakas po kasi sa aming paaralan ang mga initiatives ukol sa Robotics at nagsimula ang mga bata sa basics nito noong elementary pa lamang kung kaya pagdating ng High School ay handa na sila sa designing,” ani Teacher Marisol.Β Β 

Sa kasalukuyan, patuloy ang Timoteo Paez Integrated School sa pagsasagawa ng mga event ukol sa paggawa ng mga imbensyon, gayundin ang pagpapaunlad ng kanilang mga imbensyon upang mas marami pang tao ang matulungan ng mga ito.Β 

Mga larawan mula sa Manila PIO.Β 

END
Β