โPangalan ko lang ang nandoon [sa award], pero repleksyon โyon kung gaano kabubuti ang mga bata, ang mga magulang, at mga namumuno sa paaralan.โ
Bago niya maabot ang tagumpay bilang CSC Presidential Lingkod Bayan Awardee, dumaan muna si Teacher Kris Christopher Dela Cruz, Master Teacher I mula sa Alaminos City National High School, sa ibaโt ibang hamon na sumubok sa kaniyang katatagan bilang isang guro.
Ibinahagi ni Teacher Kris na hindi naging madali ang kaniyang unang taon na paglipat sa pampublikong paaralan mula private school dahil na rin sa ibatโ ibang pagsubok na kaniyang kinaharap kabilang na pagsisiguro na papasok ang kaniyang mga estudyante araw-araw sa paarlan.
Ikinuwento rin niya na sa pangunguna niya at ng mga magulang, nagpundar din sila ng mga science equipment na kinakailangan upang maayos niyang maituro ang Robotics sa kaniyang mga mag-aaral.
Dahil sa kaniyang pagsisikap na mapa-unlad ang science and technology sa kanilang paaralan, nabuo ang Science and Robotics Club kung saan nagkaroon ng mga imbensyon patungkol sa agrikultura, aquaponics at hydroponics na nanalo ng mga patimpalak sa loob at labas ng bansa.
โMay mga pagkakataon na talagang nakakaiyak kapag inaalala ko โyong part na โyon [ sa unang taon bilang public-school teacher] โฆ Nagbago โyong imahe ng isang lingkod bayan simula noโng napasok ako sa public school.โ
Ayon sa kaniya, ang tagumpay na kaniyang natamo bilang CSC Presidential Lingkod Bayan Awardee ay patunay na ang pagiging lingkod bayan ay may kaakibat na responsibilidad na mabago ang mga buhay ng tao sa komunindad.
โReflection โyon [CSC Presidential Lingkod Bayan Award] ng mga tao [at] ng mga estudyante na nagpursige para matupad โyong pangarap na โyon na maging bahagi ng solusyon sa problema o suliraning kinakaharap ng kanilang community.โ