Maituturing na malaking bahagi ng tagumpay ng Pasig City Science High School (PCSHS) sa National Achievement Test (NAT) ang positibong education community sa kanilang paaralan.

Itinanghal na Top 5 performing schools ang PCSHS matapos makapagtala ng 77.47% na marka ang kanilang Grade 10 learners nitong School Year 2022-2023 na NAT.

Ayon kay G. Charlie Fababaer, dating school head ng PCSHS, isa sa mga naging susi ang programang ANGAT Pascian kung saan tulung-tulong ang mga guro, magulang, at alumni sa paglikha ng learning materials at mga lektura na partikular na idinisenyo para sa NAT at college entrance exams.

โ€œWe believe that effective preparation for standardized tests like the NAT extends far beyond a single week of focused effort. Ideally, it should be seamlessly integrated throughout the entire teaching and learning process, encompassing not only classroom activities but also broader school management practices,โ€ ani G. Fababaer.

Dagdag pa niya, kabilang sa multi-pronged approach na ipinatutupad ng PCSHS ang pagsasagawa ng komprehensibong review ng curriculum upang matiyak na nakahanay ito sa nasabing assessment.

โ€œWe also focus on providing quality learning resources for our students, supporting our teachers and closely monitoring the learning delivery and student performance,โ€ aniya.

Nagtakda rin sila ng isang send-off program na layong magbigay lakas ng loob at motibasyon sa learners habang papalapit ang pagsusulit. Pinapaalala rin nila rito ang kahalagahan ng pagsisikap para sa institutional excellence.

Bagaman isa nang Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) sa Mandaluyong City si G. Fababaer, hangad niyang ipagpatuloy ng pamunuan ng PCSHS ang pagbibigay ng isang โ€œwell-roundedโ€ na edukasyon sa learners nito.

โ€œEver since, our goal has been to prepare our students to be future leaders, regardless of their chosen career path. So a holistic approach that emphasizes both academics and character development will be paramount,โ€ saad niya.