Buong pagmamalaki ni Gng. Rinalyn Beso, School Head ng Tarabucan National High School, na ang Learners Competency Directory ng SDO Calbayog City ang naging daan sa pulidong pagkatuto ng bawat mag-aaral sa mga asignatura na may kaugnayan sa 21st Century.
โUpang masiguro ang pagkatuto ng mga mag-aaral na walang isinasakripisyo sa kanilang pag-aaral at pagre-review, pinalakas ang paggamit ng integrative performance task at paggamit ng directory na sa gayon ay mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mga mag-aaral sa mga ibibigay na mga gawain at pagsusulit,โ ani Gng. Beso.
โDahil dito, mas nama-manage ng mga mag-aaral ang kanilang oras at sarili, at natuto ng work-study prioritization kung saan nagresulta sa mas mataas na marka sa mga pagsusulit,โ dagdag niya.
Binigyang-diin naman ni Teacher Joey Escorido, Special Science Teacher III, na ang Directory ay nakaangkla sa Project STAR o Systematic Technical Assistance on School Management to Attain Best NAT Result na kung saan ay may layunin na ma-enhance ang quality ng school management system, school performance sa National Achievement Test (NAT), at ang pagbibigay review at pag-coach o mentor sa learners, lalo na ang Grade 12 students sa tulong ng intensive National Achievement Test (NAT) review.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Teacher Joey na nabibigyan ang bawat mag-aaral ng suporta sa pamamagitan ng Calendar of Activities na naghihikayat ng open communication ng mga mag-aaral sa kanilang mga tagapayo at guro upang maitala ang mga kinakailangang aksiyon.
Ibinahagi naman ni Gng. Beso ang naging resulta ng paggamit ng Learners Competency Directory kasabay ng iba pang best practices tulad ng pag-revisit sa skills/competencies, pagkakaroon ng modified class program, at support system para sa pagpapaunlad ng student performance sa mga pagsusulit.
โGradual subalit solidong pagbabago ang aming nakita sa mga estudyante, specifically na sa kanilang kritikal na pag-iisip sa mga diskusyon at unti-unting pagpapakita ng matataas na komprehensiyon na nakita namin sa taas ng kanilang reasoning at sa bilis ng pagsagot sa bawat aytem sa panahon ng review.โ
Dahil sa kolektibong hakbang ng Tarabucan National High School, nakamit ng paaralan ang ika-limang puwesto sa ranking ng NAT Grade 12 para sa School Year 2022-2023.