Pinagmamalaking ibinahagi ng mga teacher ng Cavite Science Integrated School (CVSCI) ang kanilang naging best practices nang nakamit ng paaralan ang Top 2 sa Grade 10 National Achievement Test (NAT).
Ayon sa mga guro ng CSIS, itinuon nila ang kanilang pansin sa mastery of competencies ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng hands-on activities, additional learning materials, pre at post-test, at iba pang learning stimulation na lubos na nakatulong sa kanilang mga mag-aaral.
Bukod sa regular na classroom learning, binigyang halaga rin ng mga guro ng CVSCI ang pag-assess sa competencies ng mga learner. Ayon sa kanila, sa pamamagitan nito ay natututukan ng mga guro ang mga subject o areas na hindi masyadong naiintindihan ng mga bata.
Pinuri naman ni CVSCI School Head Esterlita M. Dolatre ang mga guro sa kanilang paaralan na walang pagod na nagtuturo at nagi-innovate upang masiguro ang kalidad na edukasyon sa kanilang paaralan.
“Ipagpatuloy ang pagsasapuso at masusing pagtuturo sa mga mag-aaral ng CVSCI. Ang tagumpay ng mga mag aaral ay tagumpay na rin ng guro na maiituturing na tagumpay ng ating paaralan,” pahayag ni Gng. Dolatre.
Bilang paghahanda naman sa susunod na NAT, inilahad ng mga guro ng CVSCI ang kanilang mga plano upang mas paigtingin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral.
Para sa karamihan ng mga guro, mas pagtitibayin nila ang most essential learning competencies (MELCs) at mas gagawing kaaya-aya ang mga lesson at activities upang mas maging aktibo ang mga learner sa pagsasagot ng mga ito.