Paghubog sa pagpapaunlad ng potensiyal, biyaya, at talento ng mga bata ang naging sentro ng adbokasiya ni G. Samuel R. Soliven, kasalukuyang Director III ng Bureau of Curriculum Development ng DepEd Central Office, na isa sa mga ginawaran ng Metrobank Foundation, Inc. (MBFI) Award for Continuing Excellence and Service (ACES) nitong 2024.
Patunay ito ng kanyang patuloy na pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo sa mga kabataan, bilang magandang ehemplo ng mga guro at lider at serbisyo sa mga paaralan, mula noong naparangalan siya bilang isa sa mga MBFI Outstanding Teacher of the Philippines noong 2003.
Siya ay produkto ng Philippine Educational Placement Test (PEPT) noong 1986. Naisaad sa kanyang PEPT na mula second year high school ay maaari na siyang magkolehiyo. Aniya, โdahil sa kahirapan sa buhay, ako ay [nahinto ng pag-aaral sa high school] ng tatlong taon at ang pagkapasa ko ng PEPT ang nagbigay sa akin ng pag-asa at maraming oportunidad.โ Naging working student siya sa kolehiyo at kumuha ng Bachelor in Secondary Education.
Noong siya ay naging guro hanggang sa naging bahagi ng mga opisyal ng DepEd Central Office, madalas niyang ibinabahagi, lalo na sa mga mag-aaral, na magandang ang dala ng PEPT sa mga mag-aaral na huminto dahil sa hirap at hamon ng buhay.
Bilang guro noon ng High School Science and Mathematics, nakabuo siya ng isang aklat bunga ng kawalan ng learning material sa paggawa ng science investigatory projects at tinawag niya itong Science Research and Statistics.
Dahil dito mas maraming mag-aaral at mga guro ang natulungan kung paano gumawa at magturo sa paggawa ng research projects. Naisulat din niya ang Worktext in High School Geometry with Focus on Practical Work and Portfolio Making. Nakabuo din siya ng isang modyul para sa Integrated Science and Technology na nagsilbing batayan sa paggawa niya ng teaching script para sa School-on-Air / Pagadalan iti Tangatang over DWRV Bayombong, gamit ang diyalektong Ilokano para maituro ang Science and Technology.
Maliban sa mga karanasan niya sa larangan ng edukasyon, nakibahagi siya ng mga outreach programs na tumutulong sa mga mag-aaral, kabilang na dito ang Love Lingay Labbu Outreach at pagbigay niya ng USB at Radyo para sa Oplan Karunungan (U R OK!) noong panahon ng pandemya sa tulong nga mga kaibigan at ng MBFI.
โI believe that the best instructional materials of teachers are their positive experiences and their resolve to help improve the quality of education. Such is the great opportunity to be part of a bigger educational mission given by God,โ ani Dir. Soliven.