Maituturing na malaking bahagi ng tagumpay ng Saint Paul American School (SPAS) ng Angeles City, Pampanga ang pagsunod sa international standard sa kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral upang makamit ang ikalawang pinakamataas na percentage sa Grade 12 ng National Achievement Test (NAT) SY 2022-2023.

Mula nang magsimula ang operasyon ng paaralan noong 2012, isinasagawa na ng SPAS ang paghahatid ng instruksyon na naayon sa kakayahan at pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral na base sa comprehensive American curriculum.

โ€œOur best practices include tailoring instruction and output that meet our student needs as well as ensures we are meeting standards and requirements,โ€ ayon kay Principal Josi McNaughton-Tiodin.

Bukod sa aprubado ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang SPAS ay accredited rin ng ng mga US regional accreditation agency na Cognia at Middle States Association (MSA).
Sumusunod ang paaralan sa standard ng mga eskwelahan sa Estados Unidos sa pamamagitan ng paglalapat ng Common Core State Standards Initiative sa pagtuturo ng English at Mathematics; American Education Reaches Out (AERO) para sa klase sa Social Studies; at Next Generation Science Standards para sa mga klase sa Science.

Binubuo ang naturang paaralan ng American at Filipino tea chers kung saan sinusunod ang mga standards na ito upang makabuo ng yearly plan at phasing guides para sa kanilang klase.
โ€œOur teachers also use both formative and assessments to tailor instructions based on the needs of the students. Following these standards ensures our students not only meet the requirements for graduation, but also college acceptance,โ€ ani Principal McNaughton-Tiodin.

โ€œRequirements for optimal learning include active participation and interaction, relative feedback to allow for growth and tutoring opportunities to address misconceptions or incomplete comprehension skills.โ€

Sa kanilang mga pinagdaanan sa NAT, rekomendasyon ni Principal McNaughton-Tiodin na kung maari ay gawin ng mas maaga ang NAT exams para makatulong sa student engagement at sana ay seryosohin ito ng mga bata kahit na no bearing ito sa kanilang mga grado.

โ€œOffer encouragement to those testing. Ensure they have a strong support system academically by partnering with quality educators,โ€ wika ni Principal McNaughton-Tiodin.