โ€œAng bawat galing at talino nila ay dapat ibinabahagi sa kapwa nila mag-aaral.โ€

Malaki ang naging papel ng pagtutulungan at pagbabayanihan ng mga mag-aaral, guro, at ng school head ng Batangas Province Science High School upang kanilang makamit ang pagiging Top 1 sa Grade 10 National Achievement Test (NAT).

Ang pagkakaroon nila ng Peer Tutoring o pagtuturo at pagtulong ng mga higher grade levels sa lower grades sa loob ng 40-60 minuto kapag sila ay available ay malaki ang maibabahagi sa kanilang performance, higit lalo tuwing mayroong exam sa paaralan.

โ€œNapagtanto nila na dapat silang magkakaklase ay nagtutulungan na maunawaan ang mga aralin; walang maiiwan at nararapat sabay-sabay silang aangat sa pag-unlad sa pag-aaral,โ€ ani Gng. Clarissa Buiser Peniz, Head Teacher II at school head ng Batangas Province Science High School.

Nagsagawa rin sila ng review sessions para sa nakaraang lessons at advance teaching para sa mga concept na hindi pa naituturo. Nagbigay din sila ng mga sample test questionnaires na naka-pattern sa NAT upang maging pamilyar ang mga mag-aaral sa uri ng test.

Nakatulong din ang Project A1DMax o โ€œAll in One Day Maximizedโ€ upang mabawasan ang disruptions sa lessons dahil sa pamamagitan nito ay sinusubukang matapos sa loob ng isang araw ang meetings at events kasama ang mga mag-aaral, guro, magulang, at stakeholders.

Nagkaroon din ng Teacher Mentoring sa pagitan ng mga guro kung saan nagbabahagian sila ng mga instructional techniques, mga bagong kaalaman, at learning approaches na kanilang nagagamit sa kanilang pagtuturo.

Ayon kay Gng. Clarissa, isang malaking karangalan ang kanilang nakuhang pagkilala at ito ay nagbigay inspirasyon sa kanilang mga mag-aaral.

โ€œSa pamamagitan nito ay muling makikilala ang paaralan sa isang kalidad na edukasyong ibinibigay lalo paโ€™t ang halos lahat ng nag-aaral ay mga iskolar ng lalawigan ng Batangas,โ€ ani Gng. Clarissa.

โ€œNagbigay inspirasyon din ang karangalan upang ang mga mag-aaral ay lalong magsumikap na pagbutihin ang pag-aaral at linangin ang kanilang mga talento at kasanayan sa ibaโ€™t ibang asignatura,โ€ dagdag niya.