Sinubok man ng pandemya ang kaniyang katatagan at tibay, naging daan naman ito upang maging isang katangi-tanging guro si Assistant to the School Head Glenny E. Laping ng Bankal Senior High School sa Division ng Lapu-Lapu City na tumulong baguhin ang sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ayon kay Sir Glenny, โ€œservice with a heartโ€ ang kanโ€™yang pinairal sa paglilingkod sa Kagawaran ng Edukasyon, โ€œKailangan ng puso para sa pagganap ng tungkulin bilang isang kawani ng gobyerno. โ€˜Pag sinamahan ng pagmamahal ang pagseserbisyo ay kayang gumawa ng mga bagay na higit pa sa inaasahan sa iyo ng ahensya o departamento.โ€

Kuwento niya, bilang Program Lead ng Game-Based Learning platform na Minecraft Education Edition (MEE), misyon nila na mas matuto ang bawat batang gamer sa bansa sa pamamagitan nito dahil hindi lamang isang online game ang MEE ito rin ay maari magamit upang gawing nakakaengganyo at masaya ang pag-aaral.

Isa rin siya sa team na lumikha ng isang Offline Module Application kung saan maaring ma-access ng mga mag-aaral, magulang, at guro ng SDO Lapu-Lapu City ang mga self-learning modules kahit na walang internet connection para maiwasan ang transmission ng virus.

Bukod dito, mayroon din siyang samuโ€™t saring proyekto sa ilalim ng Lakbay-Aral Workforce for the Indigenous Groups in the Philippines (LAWIG Ph), Inc. na layong tulungan ang mga IP sa Cebu at Naga. Bilang Presidente ng organisasyon, nakapagpamahagi na sila ng food packs sa 600 pamilyang Badjao at Ati, nakapagsagawa ng gift-giving activity para sa 150 Badjao kids, at webinar ukol sa importansya ng IP Education at teknolohiya.

Dahil sa kanโ€™yang mga inisyatibang nakabubuti sa paghatid ng edukasyon, ginawaran si Sir Glenny ng 2023 Outstanding Public Officials and Employees Award o Dangal ng Bayan ng Civil Service Commission.

โ€œReceiving the award is truly an honor and a humbling experience. It’s a validation of the hard work, dedication, and contributions made to our country. It’s a feeling of gratitude, knowing that our efforts have been recognized and appreciated on a national level,โ€ aniya.