โ€œHindi ang sobrang talino ang kailangan natin kundi ang gurong may malasakit at pagmamahal sa kanilang trabaho.โ€

Sa kanyang halos tatlong dekadang karanasan bilang isang guro, pinatunayan ni Education Program Supervisor Lourdes โ€œBibayโ€ Matan ng Schools Division of Calbayog City na ang pagiging konsistent sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo ay maghahatid ng tunay na pagbabago hindi lamang para sa mga learner at paaralan kundi pati rin sa buong komunidad.

Matapos niyang maiuwi ang 2009 Outstanding Filipino Teacher mula sa Metrobank Foundation, ipinagpatuloy ni Teacher Bibay ang kanโ€™yang magagandang nasimulan at mga adbokasiya tulad ng paglabang itigil ang early at arranged marriages, literacy projects, pagtulong sa mga kabataang biktima ng violence at mga nangangailangang mag-aaral at barangay sa kanyang nasasakupan. Sinimulan niyang imulat ang mga bata, kababaihan, at mga magulang tungkol sa mga masasamang dulot ng forced marriage at kahalagahan ng pagkakaroon ng boses at edukasyon.

โ€œNaging mahirap man ay nabuksan ko ang komunidad sa reyalidad ng buhay sa pamamagitan ng pagbabago sa kanilang pananaw. Mula sa nakakatakot na mga ugali ng mga tao sa komunidad tungo sa mapayapa, masayahin at may edukasyon na mga magulang,โ€ aniya.

Hindi niya rin sinukuan ang mga may edad na na nais bumalik sa pag-aaral at tinutulungan silang makapagbasa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Parent-Child Tandem Reading Activity (PCTRA), reading levelling sa asignaturang Filipino at English, levelled workbooks para sa differentiated instruction, community immersion in literacy at adult literacy.

Ipinakita niya rin ang kanโ€™yang kahusayan sa pagi-innovate sa kanโ€™yang pagbuo ng mga materyales tulad ng Bahandi san Calbayog, Minamat nga Bahandi san Calbayog at Panurundon sa Pagbasa na nakatulong upang malutas ang problema sa literasiya sa dibisyon ng Calbayog noong pandemya.

Nagbigay-daan ang mga adbokasiyang ito upang parangalan muli si Teacher Bibay ng 5th Metrobank Foundation Award for Continuing Excellence and Service (ACES) ngayong taon.

โ€œDahil sa award na ito ay naibsan ang sakit na naramdaman ko sa pagkawala ng pangatlo kong supling dahil sa pagiging aktibo sa serbisyo. Ito ang nagbigay-katiyakan sa akin na worthy ang mga sakripisyo ko for the sake of giving quality service in an excellent way.โ€

โ€œAng ganitong mga guro gumagawa ng impact sa buhay ng mga mag-aaral at sistema ng ating edukasyon,โ€ saad ni Teacher Bibay.