โAng pagiging isang campus journalist ay hindi lamang tungkol sa mga medalya o titulo, kundi tungkol din sa responsibilidad na magbigay ng tamang impormasyon at magpataas ng kamalayan sa mga isyung mahalaga sa lipunan.โ
Iyan ang naging paalala ni Jascyl Jee Sayson, editorial cartoonist mula Iriga City sa Bicol Region, sa mga kapwa campus journalist na nakapokus lamang sa parangal at nakalimutan ang tunay na diwa ng pamamahayag.
Hinirang na kampeon si Jascyl sa Paglalarawang Tudling sa Secondary Level ng National Schools Press Conference (NSPC) noong 2023, at muling sasabak sa parehong kategorya ngayong taon sa Carcar City sa Cebu.
Bukod pa rito, kinilala rin siya bilang Most Outstanding Campus Journalist ng kanilang rehiyon ngayong 2024.
Bagaman may dalang pressure ang kanyang muling pagsali sa NSPC, ayon kay Jascyl, nakakatulong ang tamang mindset at disiplina sa ganitong mga pagkakataon kung saan โhindi ko iniisip na kailangan kong manalo ulit, kundi mas mahalaga ang maipakita ang pinakamahusay kong kakayahan.โ
“Focus lang ako sa proseso at hindi sa resulta at tinatanggap ko na ang bawat pagkakataon ay isang learning experience,โ dagdag pa niya.
Aminado si Jascyl na nagsimula rin ang kanyang journalism journey sa pagnanais na ipagmalaki ng kanyang mga magulang at makakuha ng mga parangal at medalya. Subalit nagbago ang kanyang pananaw matapos mapagtanto ang tema ng NSPC 2023 na โFrom Campus Journalism to Real-World Journalism: Shaping Minds from Schools to Societies.โ
Aniya, โang Schools Press Conference ang nagbigay sa akin ng oportunidad na makapagsilbi at makapag-ambag sa aking komunidad sa pamamagitan ng aking editorial cartoons.โ
Naniniwala si Jascyl na mahalaga ang โcontest journalismโ sa promosyon ng pamamahayag sa mga mag-aaral sa bansa ngunit hindi lamang dapat sa awards o recognition iikot ang buhay ng mga estudyanteng mamamahayag.
โLaging tandaan na ang bawat artikulo, editorial, o cartoon na ginagawa ninyo ay may kapangyarihang magdulot ng pagbabago sa lipunan. Isulat ninyo ang mga kuwento na may integridad at dedikasyon, alang-alang sa mga taong nagbabasa at nakikinig sa inyo.โ
Mga larawang ibinahagi ni Jascyl Jee Sayson.