โInaasahan namin na isa ito sa pinakamasaya na mangyayari sa buhay namin at siguradong mag e-enjoy kami nito,โ ani Jonas Capidos.
Labis na saya ang naramdaman ng dalawang learner na si Jonas, at Jay Mark Calipara, bagong graduate ng Grade 12 Electrical Installation and Maintenance (EIM) Strand ng San Jose National High School sa Schools Division of Tacloban City, nang malaman nila na qualifier sila sa 2024 National Festival of Talents (NFOT) sa Naga City, Cebu kasama ang coach na si G. Antonio Araneta.
โNoong malaman namin na kami yong nanalo [sa RFOT – EIM], grabe [at] di maipaliwanag ang saya na madama namin. Parang gusto naming sumigaw sa tuwa. Ang saya ng experience na manalo ka sa RFOT,โ ani Jay Mark.
Nabuo ang interes nila Jonas at Jay Mark sa EIM noong sila ay mga estudyante pa lamang ng Grade 11 sa SJNHS at dahil sa pagnanais na malaman ang layunin ng nasabing strand. Isa sa pinakamahalagang ginagawa sa EIM ay ang pag-interpret ng floor plan layout at kung paano ma-i-a-aplay ang connectivity na ayon sa floor plan, at kung may naihanda na safety procedure bago simulant ang pagkabit ng wiring connection.
Sa loob ng dalawang taon na paggabay kanila Jonas at Jay Mark sa EIM journey, masasabi ni Coach Antonio na malaki ang na-improve sa dalawang bata, lalo na at nakakaapag-execute na sila ng competencies ng EIM NC-II. Nakamit nila Jonas at Jay Mark sa kategoryang Technolympics – EIM ang 1st place sa 2023 DFOT at 3rd place sa 2023 RFOT; at 1st place sa 2024 DFOT, at 1st Place sa 2024 RFOT.
Binigyang-diin naman ni Coach Antonio na mahalaga na ma-empower ang bawat isa ng ibaโt ibang competencies at magkaroon ng mastery ng mga ito para maging matagumpay.
โAng pinakaproudest moment ko sa mga tinuturuan ko po ay noong magsimula ang kanilang interes at hanggang sa nagkaroon ng EIM specialties ang dalawang learner. Si Jay Mark para sa Electrical Wiring Connectivity, at Jonas para sa Bending and Offsetting,โ pagbabahagi ni Coach Antonio.
Paalala naman ni Jay Mark sa mga nagnanais na sumali sa RFOT at NFOT na โpaghusayan pa ninyo ang pagsasanay at makikinig kayo kong ano ang sinasabi ng coach o trainor niyo. โWag niyong kalimutan na humingi ng tulong sa mas nakakalaman at higit sa lahat ay โwag niyong kakalimutan humiling ng gabay sa Diyos.โ
Ang mga larawan ay kuha ng DepEd Region VIII (Eastern Visayas), at San Jose National High School, Schools Division of Tacloban City.