โ€œIโ€™d like to think of it as fate. Naging campus journalist ako by fate, and [through] constant push and support of the people around me.โ€

Bilang isang dating child star, hindi sumagi sa isip ni Yesha Camile na siya ay magiging isang campus journalist, lalo pa ang manalo bilang Best News Presenter sa Filipino.

Bukod diyan, naging bahagi rin siya ng team mula Region 11 na pinarangalang 2nd Place Best Technical Application at 3rd Place Best Development in Communication para sa TV Broadcasting (Filipino) sa katatapos lang na National Schools Press Conference (NSPC) 2024 sa Carcar City, Cebu.

Aniya, malaki ang kaibahan ng pag-arte at TV Broadcasting pero nakatulong ang pagiging komportable niya sa harap ng kamera kung saan โ€œsa acting, all I have to do is study my lines, memorize them, and act pero sa TVB, ako yung gagawa ng sarili kong news, script, and report it myself.โ€

Sa unang pagsabak pa lamang sa 2023 District Schools Press Conference ay nanalo siya ng 1st place para sa Mobile Journalism (MoJo) sa Filipino na hindi pa isang opisyal na kategorya sa RSPC at NSPC kung kayaโ€™t akala niya ay doon na magtatapos ang kanyang 2023 JOURNey.

Subalit nagawa niyang makarating sa national level ng parehong taon bilang kapalit ng nag-backout na miyembro ng TV Broadcasting Team sa kanilang rehiyon.

Dagdag niya, ibang iba ang karanasan niya ngayong taon, โ€œI didnโ€™t go through what the whole team went through (DSPC and RSPC), it felt like I just got lucky but this year, ilang butas ng karayom po yung napagdaanan namin just to get to where we are so the emotions were stronger this year as well as the desire to win.โ€

Nagbunga ang lahat ng sakripisyo at pagod ni Yesha at ng kanyang team sa mga training na madalas ay inaabot ng hatinggabi nang makamit niya ang 1st place para sa Best News Presenter sa Filipino.

Payo niya sa mga nangangarap ding maging isang campus journalist na maniwala sa kanilang sariling kakayahan.

โ€œIf you want to give it a try, I say, do it! Donโ€™t let your self-doubts stop you kasi it wonโ€™t get you anywhere. I always believe in trying kaya if you want to do something, give it a try. If it doesnโ€™t work out, at least you gave it a try. Add it to your list of experiences.โ€

Ang mga larawan ay ibinahagi ni Yesha Camile.

END