โ€œPara sa akin ang maging qualifier sa Palarong Pambansa ay isang malaking achievement na. Additional na lang po na kami ay manalo kaya kailangang i-enjoy lang namin ang laro.โ€

Sa kabila man ng pagkakaroon ng diperensya sa mata, ipinakikita ni Hernan N. Ilagan, isang Grade 6 Special Education (SPED) learner ng Bay Central Elementary School ng Bay, Laguna, na hindi ito hadlang upang ipakita ang kaniyang talento sa isport ng Goalball.

Karamihan man ay hindi pamilyar sa larong Goalball, marami sa mga manlalaro nito ang humaharap rin sa mabusising training upang pagbutihin ang kanilang performance.

โ€œSa una hindi ko alam pa ang goalball event pero ng ma-experience ko ang laro, unti-unti ko po itong na-enjoy dahil dito na po namin na discover ang tunay kong kakayanan sa sports. At lagi na kaming nakararating sa higher meet. Hanggang sa nagustuhan ko na po ang goalball,โ€ pagbabahagi ni Hernan.

Ibinahagi niyang hindi niya first love ang Goalball. Ayon sa kaniya, ang una niyang nahiligang isports ay Track and Field. Ngunit noong nangailangan ang kanilang division ng player para Goalball, siya ang napili at nakita niya ito bilang isang sign.

Ngayong taon, siya ang leader ng Laguna Green Rangers Goalball Team. Bilang isang manlalaro, higit sa pagiging captain o leader ang naging papel ng Hernan sa kaniyang mga teammates, nagsisilbi rin siyang tanglaw ng pag-asa para sa koponan.

Inilalarawan si Hernan ng kaniyang mga guro, coach, at kakilala bilang isang taong matatag at puno ng pag-asa. Saksi sila sa pagpupursigi ni Hernan sa kabila ng kaniyang pagiging bulag.

Hindi lamang siya isang estudyante at atleta, isa rin siyang laborer sa construction na nagtatrabaho upang tustusan ang pangagailangan ng kaniyang pamilya. Para kay Hernan, simula lamang ito ng kaniyang mga pangarap. Nais niyang makatapos sa pag-aaral upang makakuha ng mas maayos na trabaho sa opisina.

Sa kaniyang pangatlong Palarong Pambansa, inaabangan ni Hernan ang mga bagong experience at mga bagong kaibigan na kaniyang matutunghayan pagpunta niya at ng kaniyang team sa Queen City of the South.

Bukod sa Goalball, matutunghayan rin ang Athletics, Running Long Jump, Shot Put, Bocce, at Swimming sa Paragames ng Palarong Pambansa 2024.

Mga larawan mula kay Mrs. Leonisa R. Baguisa.

END