Napanalunan ni Jericho ang mga gintong medalya sa 1,500-meter run, 5,000-meter run, 2,000-meter Steeplechase. Samantalang naibulsa naman ni John Clinton ang gintong medalya sa 400-meter run at bronze medal sa 200-meter.
โSobrang saya po kasi โyong hirap at sakit ng katawan na napagdaanan ko at namin is nagbubunga na po. Lahat ng sakripisyo namin ay unti-unti ko nang nakakamit sa tulong ni Lord and with strong fighting spirits during each game,โ ani Jericho sa kanilang pagkapanalo.
โSuper overwhelmed po ako noโng nakuha ko โyong pinakauna kung ginto in the international stage kasi pangarap ko lang ito noon pero ngayon naabot ko na sโya. Marami pa akong aabutin na pagtatrabahuhan ko pa,โ dagdag ni John Clinton.
Bago ang kanilang naging mga tagumpay sa Indonesia, nakapag-uwi rin sina Jerico at John Clinton ng mga medalya sa ginanap na ASEAN Schools Games sa Da Nang, Vietnam, at 2024 Palarong Pambansa sa Cebu City nito lamang nakaraan.
Matapos ang kanilang mga naging tagumpay sa ibaโt ibang kumpetisyon, nakatuon naman ang dalawang atleta mula sa CALABARZON sa pag-i-improve sa kani-kanilang Athletics category upang lumahok sa Batang Pinoy National Championships 2024 na nakatakdang na gaganapin sa Disyembre 15-21, 2024 sa Puerto Princesa, Palawan.
Pinaalalahanan naman ni Jericho ang kaniyang mga kapuwa learner-athlete na maging isang atleta na โcoachableโ dahil โyou are not always right. Being coachable is the key to continous improvement. Never stop learning and listening.โ
Gayundin, binigyang-diin naman ni John Clinton na nararapat na maging disiplinado ang isang learner-athlete.
โSa lahat ng nangangarap na lumakas at manalo sa larangan ng palakasan, always keep on your bag โyong salitang โdisiplinaโ kasi lahat nagsisimula sa disiplina at lahat ng bagay makukuha mo kung may disiplina ka at lagi kang nagdadasal sa Panginoong Diyos,โ saad ni John Clinton.
Mga larawan mula kila John Clinton Mitchel Abetong at Jericho Obsanga Cadag.