โ€œAng edukasyon ay karapatan ng ninoman. โ€˜Wag sana ito ipagkait sa ating mga kababayang katutubo at sa iba pa.โ€Bitbit ang adhikaing mapreserba at maipakilala ang kultura ng mga Tboli at matulungan ang mga mag-aaral na maging globally competent, patuloy si Benjie โ€œJieโ€ M. Manuel, School Head ng Tboli Sbรน Senior High School sa Lake Sebu, South Cotabato, sa pagsusulong ng isang inklusibo, culture-based, at sensitibong edukasyon para sa mga katutubong Tboli.

Itinuturing na kauna-unahang stand-alone Senior High School ng DepEd Indigenous Peoples Education (IPEd) program sa Pilipinas ang Tboli Sbรน SHS kung saan itinatag ito noong ika-19 ng Mayo 2015 at kasalukuyang mayroong 159 na mag-aaral.

โ€œBilang institusyong nagtataguyod ng katutubong edukasyon, patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa ating nakakatanda para matiyak ang pagsulong at kalidad ng edukasyon na maaaring kumakalinga at nagpapayabong sa ating pagkakakilanlan at mayamang kultura at tradisyon,โ€ ani Sir Jie.

Pagbabahagi niya, upang masiguro ang culture-based at inclusive education para sa kanilang komunidad, palagian silang nakikipag-ugnayan sa stakeholders, gayundin sa mga nakakatanda (Elders/Resource Persons) at mga bahagi ng kanilang pamayanan upang matiyak ang pagtataguyod at implementasyon ng culture-based curriculum.

โ€œLikas na sa aming katutubong Tboli ang pagtutulungan (Kesetobong) at pagkakaisa (Kesesotunawa) kaya natitiyak ng mga ugnayang ito ang partisipasyon at nagkakaisang pamayanan pagdating sa pag-aaral ng ating kabataan.โ€

Sila rin ay nakipagtulungan sa mga organisasyon tulad ng School of Oriental and African Studies-University of London sa pamamagitan ng kanilang Academic Project-Mapping Philippine Material Culture na nagbigay daan sa repatriation ng Tboli Objects at Artifacts pabalik sa kanilang pamayanan na tinawag na Gonรด Tmutulโ€”A House for Storytelling, kung saan si Sir Jie ang naging pangunahing tagapangalaga ng mga ito.

Sa pamamagitan ng Gonรด Tmutul, ang kabataang Tboli ay mararanasang hawakan, mailarawan, at maisapuso ang mga antigo ng kanilang kultura na siya ring lalong nagpatibay at nagpayaman sa kanilang gawaing pangkultura at katutubong edukasyon.

โ€œSuportahan sana natin ang kanilang karapatang makapag-aral at sa paraang angkop sa kanilang nakagisnang kultura at tradisyon na sya ring magpapayaman sa kanilang pagkakakilanlan at kaalaman,โ€ panawagan ni Sir Jie.

Mga larawang kuha ng SDO South Cotabato – Dreamweavers Division SCRIBE News Team