โ€œBy integrating food security with educational initiatives, we can make education both meaningful and life-sustaining.โ€

Hinirang ng Civil Service Commission (CSC) si Dr. Miguel Mac Aposin bilang nag-iisang 2022 Presidential Gawad Career Executive Service (CES) Awardee dahil sa kanyang mga natatanging accomplishment at mga inilunsad na inisyatiba sa Schools Division ng Capiz at Aklan.

Naging realisasyon ng bansa ang kahalagahan ng food security at efficiency matapos maranasan ang kakulangan ng access sa pagkain na dulot ng lockdowns noong COVID-19 pandemic.

Kaya napagtanto ni Sir Mac, dating Schools Division Superintendent (SDS) ng Aklan, ang malaking gampanin ng sektor ng edukasyon sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain at siya ring nagtulak para gawing kauna-unahang farm school sa probinsya ang Pinamuk-an Integrated School.

Bagama’t maraming learners ang nagpapatuloy ng edukasyon sa labas ng kanilang isla, mayroon ding mga naiiwan para maghanapbuhay at hindi makatapos ng pag-aaral.

Dahil dito, nais ni Sir Mac na makita ng learners ang potensyal ng kanilang komunidad na makapagbigay ng kabuhayan, lalo paโ€™t hitik ito sa yamang dagat.

โ€œWith the establishment of a farm school, learners do not just complete basic education in Pinamuk-an Integrated Farm School, they also learn how to turn the rich marine resources of the community into a sustainable source of income,โ€ ani Sir Mac na ngayoโ€™y nagsisilbing SDS ng Capiz.

โ€œIn this way, the school, along with the community, becomes a comprehensive learning environment where students acquire the knowledge and skills necessary to maximize economic benefits through the responsible use of available resources,โ€ dagdag pa niya.

Patuloy na umaani ng magandang resulta ang Pinamuk-an Integrated Farm School sa tulong ng mga makabagong kaalaman ukol sa aquaculture, bagong teknolohiya, at entrepreneurial skills.

Mga larawang ibinahagi ni Dr. Miguel Mac Aposin.