Pag-asa ang hatid ng STEM Students ng Vinzons Pilot High School sa kanilang munisipalidad sa Camarines Norte, na kamakailan ay kinilala sa kanilang proyektong Barix para sa pagsasagawa ng Local Nipa Wine o Barikolkol.Β
Malaking bahagi ang Barikolkol sa kultura at ekonomiya ng Camarines Norte, bilang maraming pamilya ang umaasa sa industriyang ito. Ngunit, tulad ng iba pang mga industriya sa bansa, ang paggawa ng Barikolkol ay nangangailangan ng modernisasyon.Β Β
Iyan ang binigyang sagot ng STEM students na sina Nerwin Karl H. Raro, Zenith Christen C. Balon, Czyrenel O. Calayan, Lyka S. Magana, Alexson D. Delos Angeles, Khruzhade P. Obusan at Christine Rayne C. Pimentel, kasama ang kanilang tagasanay na sina G. Jason N. Bargo at Gng. Sarah Kimberly F. Lamadrid.Β
Nakita ng grupo ang suliranin sa mahabang proseso ng paggawa ng Barikolkol, at hindi rin sapat ang kinikita ng mga pamilya rito dahil kakaunti lamang ang kanilang nagagawang produkto sa pamamagitan ng tradisyunal na pamamaraan.Β Β
Kaya naman nagsagawa sila ng isang pag-aaral para sa isang kagamitan na makakapagpabilis ng pagproseso ng Barikolkol. Sa pamamagitan rin ng device na ito, mapaparami at mas mapapalinis ng mga manggagawa ang kanilang produkto sa murang halaga.Β Β
βWe believe that technology is for everyone to enjoy. Innovations and new technologies are changing the world, hence financial constraint must not be a hindrance for a community to enjoy the blessings of technological advancement, especially the poor and the underprivileged,β pahayag ni Coach Jason.Β Β
Dahil dito, nanalo ang kanilang proyekto na kanilang Advanced Distillation with Filtration Method of NIPA (Nypa Fruit Cans) Wine Making Project sa SEAMEO STEM ED and STEM Project Competition sa ilalim ng kategoryang STEM in Industry Problem/Challenges sa Thailand.Β Β Β
Samantala, kasalukuyan namang nasa aplikasyon ng patent ang proyekto. Sa tulong rin ng LGU ng Vinzons, maipapakilala ang proyekto sa mga wine maker ng munisipalidad, kasama ang tulong pinansyal upang mas mapalago ang pag-aaral.Β
ENDΒ