Ayon sa pinakabagong inbentaryo sa opisina ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Region III, nangingibabaw ang natatanging tindig ng mga kababaihan, kung saan 11 sa kanila sa kabuoang 21 ang umuukopa ng third level positions bilang Schools District Superintendent (SDS) sa naturang tanggapan.
Isa rito si SDS Merlina P. Cruz mula sa Schools Division sa Lunsod ng Meycauayan, Bulacan, pinakabatang SDS sa rehiyon. Pinatunayan niya na ang tagumpay ng bawat kababaihan ay laging may kaakibat na pagsubok at sakripisyo. Kaya naman sa simula palang ng kanyang karera sa Kagawaran ay agad niyang ipinakita ang katatagan at kakayahan ng isang natatanging kababaihan sa larangan ng edukasyon.
Taong 1999, nagsimula siyang magserbisyo sa Kagawaran bilang isang guro sa Subic, Zambales. Dahil sa ipinamalas na galing at talino ay nagtuloy-tuloy ang kanโyang pag-angat hanggang sa maabot ang kanyang kasalukuyang posisyon. Ngunit sa kabila ng tagumpay na naabot niya ngayon, โdi naging madali ang naging daan patungo rito.
Isang halimbawa nito ay noong naging Head Teacher II sa Cawag Resettlement Elementary School sa Subic, Zambales. Dahil ang paaralan ay nakatayo sa bulubunduking bahagi ng Zambales, kinakailangan niyang gumising nang maaga para makasakay sa kaisa-isang dyip na bumibyahe paakyat dito. May masasakyan mang tricycle, mataas naman ang inaabot na pamasahe at ng minsang makasakay dito ay nasiraan pa ito paakyat ng bundok.
โSa mga ganong pagkakataon ay naranasan ko ng makisabay sa dump truck. Minsan naman ay hindi kinaya ng makina ng sasakyan ang byahe kaya kinakailangan ko rin na maglakad proudly wearing my DepEd uniform and in my two-inch shoes,โ pagbabahagi ni SDS Merlina.
Sa kanyang assignment rin sa naturang paaralan ayon sa kanya ay nakaranas rin siya ng โdouble standardโ mula sa mga katutubo sa lugar dahil duda sila sa kakayahan niyang manguna sa construction at repair ng paaralan, โminsan na um-attend ako ng meeting ang mga kalalakihan parang mga nakainom at ang mga babae naman na naroon ay parang wala lang sa kanila, nararamdaman ko na nakikinig sila ngunit may halong alinlangan,โ wika niya.
โNgunit bago ako umalis ay nabuhayan ako ng loob ng lapitan ako ng kanilang Chieftain at pinasalamatan ako sa improvements sa paaralan, kasama na rito ang pagyabong ng academic opportunities para sa mga batang Ayta dahilan upang mapabilang ang paaralan sa Top 10 NAT Performing School sa District of Subic,โ dagdag ni SDS Merlina.
Ikinatutuwa rin ni SDS Merlina ng pagkakaroon sa DepEd ng equal opportunities para sa mga kababaihan at kalalakihang empleyado dahilan upang masugpo o mabawasan ang gender bias at deskriminasyon sa loob at labas ng Kagawaran.
โMapalad po ang mga kababaihan sa DepEd dahil sa tinatamasa nating fair treatment be it in hiring o promotion. Kaya ngayong National Womenโs Month, ipagpatuloy natin ang ating pangunguna at pagpapakita ng husay sa ating larangan bilang guro, kawani, o lider sa Kagawaran,โ pagtatapos ni SDS Merlina.