Bukod sa likas na mahuhusay na mga guro at mag-aaral, ipinagmamalaki ng Makati Science High School (MakSci) ang kanilang pag-aaral at paghahanda para sa nakaraang National Achievement Test (NAT) na lubos na nakatulong para sa kanilang Grade 10 learners.
Ibinahagi ni Dr. Felix Bunagan, School Head ng MakSci na inumpisahan nila ang paghahanda sa NAT sa pagsasagawa ng mga orientation sa kanilang mga guro, mag-aaral, at mga magulang. Binigyang-diin nila sa mga mag-aaral na kahit hindi kasama sa kanilang mga marka ang performance sa NAT, maituturing naman itong isa sa mga legacy na maaari nilang iwan sa kanilang paaralan.
Bukod sa orientations, pangunahing bahagi ng kanilang paghahanda ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng test taking skills lalo paโt nagmula sa distance learning ang mga mag-aaral dahil sa pandemya at pansamantalang napatigil noon ang pagsasagawa ng ganitong mga large-scale national assessment.
โAng ginawa namin, in-orient din sila sa tamang pag-shade, and then, โyong mga parallel tests, tiningnan namin yung mga archives. So, gumawa kami ng parallel test in relation to previous examinations kasi we have to prepare โyong mga bata kasi ang pagte-take ng exam ay skill din,โ ani Dr. Bunagan.
Sa kanilang mga lesson at practice exam, itinuturo din ng MakSci ang proper shading, tamang approach sa ibaโt ibang tanong, elimination, at iba pa lalo naโt magkaiba ang proseso ng mga exam sa paaralan at sa NAT ayon kay Dr. Bunagan.
โโPag may mga passage na tanong, ang gawin natin ay umpisahan natin sa tanong at hanapin โyong sagot doon sa passage,โ pagbabahagi ni Dr. Bunagan.
Bilang isang science school, mayroon ding tutorial programs ang MakSci para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang mga lessons sa Math at Science.
Nagbunga naman ang kanilang masusing paghahanda dahil itinanghal ang MakSci na Top 3 performing school sa nakaraang NAT sa buong bansa.
โThey (teachers) give more than what is asked of them. That is why siguro nakikita ng mga bata na itong mga teachers more than 100% ang ginagawa para sa school, and so these students are also inspired to take the NAT, noting that they are very very ready on the day of the NAT. Credit to the teachers, the students, and the parents as well, kaya nakamit ng MakSci yung Top 3,โ pagbabahagi ni Dr. Bunagan.