โGoing into the [National Science and Technology Fair], my mindset was not to compete. Itโs about having fun while learning and gaining something.โ
Bilang isang taong mahilig makihalubilo at makipagkaibigan, maituturing na isang haven para kay Adrian Arcuna, Grade 11 learner ng Koronadal National Comprehensive High School sa SOCCSKSARGEN, ang NSTF 2024.
Ayon kay Adrian, malaking oportunidad para sa kanya ang limang araw na event upang makakilala ng ibang mag-aaral, lalo na ng mga katulad niya na hilig ang pagtuklas at paglikha. Paborito niyang kaganapan sa NSTF, ang regional shoutout noong opening day, kung saan nagdala ang kanilang delegasyon mula sa Region XII ng positive vibes dahil sa kanilang TikTok dance moves.
Sa kanyang masiyahing personalidad, nais ni Adrian na kumbinsihin ang kapwa student-researchers na ang kanilang naging samahan at mga kaalaman na natamo sa NSTF ay mas mahalaga kaysa sa pagkapanalo.
Naging paalala rin ng kanyang coach at mga magulang ang halaga ng karanasan na kanyang maiuuwi mula sa mga nakasama sa isang linggong event.
Dagdag pa ni Adrian, ang pagtuklas ang nagpapasaya sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM). Hinikayat rin niya ang kapwa Filipino learners na ituloy ang STEM dahil magbibigay ito ng pagkakataong makapag-explore na nagiging daan sa pagtuklas.
โThere will be challenges and there will be hardships [in STEM], but there will also be something new that you will experience,โ aniya.