โNoong nakaraang taon, natatandaan ko po na pinapanood ko lang ang mga kaibigan ko sa laban nila sa Palaro.โ
Mula sa panonood sa kaniyang mga kaibigan, ngayon ay isa nang multiple gold medalist at Palarong Pambansa Qualifier ang 8-year-old gymnast na si Nathaniel Super โNateMannโ Villaran Mann, mula sa Escuela De Sto Rosario, Schools Division Office of Pasig City.
Sa murang edad nagpapakitang gilas na sa larangan ng gymnastics si NateMann kung saan humakot siya ng 5 gold medals, 1 silver, at itinanghal na Most Bemedaled Athlete ng Menโs Artistic Gymnastics Elementary Level sa nakaraang National Capital Region (NCR) Palaro 2024.
โSobrang saya ko po at nagpasalamat po ako kay God nung malaman ko na ako ang nanalo sa NCR meet. Sa tulong ng aking Coach na si Coach Reyland Yuson Capellan at sa suporta ng aking pamilya, unti-unti ko pong nakakamit ang pangarap kong makasali sa Palarong Pambansa,โ ani NateMann.
โSobrang excited po dahil malapit na ang Palarong Pambansa. Alam ko pong hindi madali ang aking competition sa Palaro dahil marami po kaming maglalaban,โ dagdag niya.
Subalit hindi lamang sa Pilipinas kinikilala ang galing ni NateMann dahil unti-unti na rin siyang umuukit ng pangalan sa mundo ng gymnastics, higit lalo ng siyaโy makapag-uwi ng 6 gold medals at 1 bronze sa 2nd JRC Stars Artistic Gymnastics Championships sa Bangkok, Thailand noong nakaraang taon.
โMahirap at nakakapagod po [ang training] dahil kailangan kong aralin ang mga skills na tinuturo ng aking coach, pero masaya po ako dahil nage-enjoy po ako sa training dahil sa tulong ng aking coach at mga magulang. Prayer po at focus sa goal ang ilan sa aking mga sikreto para po maayos ang aking routine at hindi kabahan sa aking competition,โ pagbabahagi ni NateMann.
Ayon naman kina Christel Villaran-Mann at Mark Louie Mann, mga magulang ni NateMann, hinahangaan nila ang dedikasyon ng kanilang anak sa napiling nitong larangan.
โMasaya at sobrang proud kami sa kanya dahil at his young age alam nya na need nyang mag-focus sa kanyang goal,โ ayon sa kanila.
โLagi nating tandaan na kapag may dedication at maganda ang intentions natin sa ating ginagawa, at mahal natin ito, everything will follow according to the will of God,โ dagdag pa ng mga magulang ni NateMann.
Payo naman nila sa kapuwa nila magulang na, โsuportahan natin sila at ibigay natin ang best para sa kanila dahil minsan lang sila magiging bata. Mapagod ka man pero huwag kang susuko dahil bilang magulang tayo ang malaking part sa pagkamit ng ating mga anak sa tagumpay na kanilang hinahangad.
Ang mga larawan ay ibinahagi ni Christel Villaran-Mann.
END