โSobrang nakakataba po ng puso na makarating po ulit ng NSPC 2024 matapos ang anim na taon ko pong pagsasanay, pananalangin, at paghihintay.โ
Noong 2018, nakatungtong sa kauna-unahang pagkakataon sa National Schools Press Conference (NSPC) sa Dumaguete City at naging kampeon sa Pagsulat ng Lathain sa elementarya si James Gabriel Regondola ng Vinzons Pilot High School ng Camarines Norte.
Simula noon ay naging isa na sa kaniyang pangarap ang maabot muli ang nationals.
Bagaman naging mahaba at mahirap ang kaniyang JOURNey patungong NSPC, hindi siya natakot na sumubok nang paulit-ulit upang ganap na matuto at lumago sa tulong ng kanyang ina, mga school paper adviser, at paaralan.
โSuper grateful po ako sa love and support na pinadama sa akin mula po noon ng aking ina, kaya hindi po ako sumuko na magpatuloy sa pagsusulat. Lahat po ay kanyang ginawa para makarating po ako ng Dumaguete and Cebu bilang bahagi ng aking NSPC Dreams,โ aniya.
โAnd big thanks po to my school paper advisers who paved the way for me to keep on going. Sila po ang unang naka-discover ng potential ko sa Campus Journalism as a writer kaya nagpapatuloy po ako dahil patuloy silang naniniwala sa akin na kayang-kaya ko,โ dagdag pa niya.
Hinimok din ni James na suportahan ang mga batang nais umunlad sa pamamagitan ng NSPC at maging mamamahayag, โHindi maitatangging magpahanggang ngayon ay kailangan natin ang suportang pampinansyal para tumungo ang mga bata sa NSPC 2024, kaya panawagan ko po na higit nating suportahan magmula ngayon ang mga batang journos na nangangarap.โ
Bilang Most Outstanding Campus Journalist ng Camarines Norte, nagsisilbing inspirasyon si James sa kanyang kapwa campus journalists na magpatuloy na magmulat โbeyond the campus walls.โ
Dahil sa kanyang patuloy na paghahanap ng makabuluhan at makatotohanang mga kwento sa kanyang komunidad ay nabigyan siya ng admission offer mula sa New York University – Arthur L. Carter Institute of Journalism.
Ngunit dahil sa pagsubok na pinansyal ay hindi niya muna ito maipagpapatuloy at sa halip ay magsisilbing writer nito para sa culture at arts mula sa Pilipinas.
Payo ni James sa mga katulad niyang nangangarap nang matayog na magpatuloy sa kanilang ginagawa, โConsistency po ang susi ko sa tagumpay as a Campus Journalist. Kapag po kasi hindi natin tinigilan na maabot ang ating mga pangarap, gaano man kalaki ang balakid po na kinakaharap, tayo po ay magwawagi โ whether sa contest or sa tunay na buhay.โ