Tinuturing na pangalawang tahanan ng mga batang Pilipino, naging inspirasyon para sa mga mag-aaral ang itinayong kubo ni Teacher Lorena H. Gayola upang paunlarin pa ang kanilang kaalaman at gawin itong mas masaya.
Ang Knowledge Utilizing Books Outdoor (KUBO) Program ng Nalum Integrated School sa Bagumbayan, Sultan Kudarat ay isang programa sa pangunguna ni Teacher Lorena na sinimulan noong nakaraang taon. Sa loob ng kubong ito ay matyagang tinuturuan ni Teacher Lorena ang mag-aaral ng kanilang eskwelahan na bumasa at magbilang.
Para mas maging kaaya-aya ito, nilagyan ni Teacher Lorena ang KUBO ng mga makukulay na learning at instructional materials. Isang tunay na bahay ng karunungan, saksi ang mga haligi ng kubo sa kagustuhan ng mga mag-aaral magbasa, matutong bumilang, at sumulat.
Ngayong taon, hindi lamang si Teacher Lorena ang nagtuturo sa kubo. Nagkaroon na rin ng mga ate at kuya dito sa pamamagitan ng kanilang adopt-a-sister at adopt-a-brother initiative na libreng nagtuturo rin ang ibang mag-aaral sa kapuwa nila learner.
Pagpatak ng 12 ng tanghali, 26 na learners ang nagpupunta sa kubong ito upang matuto sa kanilang mga asignatura. At sa tulong ng KUBO, nais rin ni Teacher Lorena na maituro ang 21st century skills sa mga bata katulad ng teamwork at communication.
“We must never stop inculcating in the minds of our young learners especially those who are less fortunate children that they deserve the best education and they can reach their dreams,” pahayag ni Teacher Lorena.
“To my co-teachers, never give up in giving and sharing our knowledge and skills, especially to the learners who are in far-flung areas where there are lesser opportunities so that they are not left behind.โ
Isang pangarap ni Teacher Lorena para sa kanyang munting kubo na lumaki pa upang makapagsilbing pangalawang paaralan sa mas maraming learners dahil para sa kanya, hindi dapat maging hadlang ang layo ng mga eskwelahan sa kalidad ng edukasyon na kaya nilang ibigay.
Mga larawan mula sa Facebook page ng DepEd Tayo Nalum ES.