โAs his coach and one of Caloyโs subject teachers in Grade 6, I could say he was an average student, but he is more inclined toward sportsโgymnastics. Hilig at passion niya talaga โyan.โ
Ito ang kwento ni Ma’am Ezra Canlas, Teacher-Coach ng ngayong two-time gold medalist sa Paris Olympics 2024 na si Carlos Edriel โCaloyโ Yulo.
Proud graduate ng Aurora A. Quezon Elementary School (AAQES), SDO Manila si Caloy kung saan din siya nagsimulang sumali sa larangan ng Artistic Gymnastics sa Palarong Pambansa. Isa sa mga unang nagsanay at nag-alaga sa kaniya bilang mag-aaral at atleta ay si Maโam Ezra o Mommy Ez kung tawagin nila.
Para kay Maโam Ezra, isang mabait at tahimik na bata si Caloy. Bilang pride ng paaralan sa gymnastics, palagi silang nagtatanghal sa mga school events kasama ang mga ka-team nito na sina Ivan Cruz at John Matthew Vergara na kapwa mga Filipino Gymnasts na rin ngayon.
โSi Caloy bilang gymnast ay disiplinado, naka-program ang bawat gagawin niya. Nababalanse niya ang school, laro, at pagte-training. Sa mga laban niya naka-focus yan sa mga gagawin niya,โ
โLikas sa kanya ang pagiging magaling na hinubog ng ibaโt ibang trainers na humawak sa kanya. Kapag sinasabihan ko siya na โAng galing-galing mo na talaga,โ sasagot yan, โDi po, madami pang mas magaling sa akin, tyamba lang, maโam,โ pagbabahagi ni Maโam Ezra.
Dahil sa puspusang pagte-training pa noon ni Caloy, may mga pagkakataon pa raw na dumudugo na ang kamay nito, ngunit dahil sa desididong maging mas mahusay pa, โNo pain, no gainโ ang mindset ng batang Caloy.
Dahil sa kasikatang tinatamasa ngayon ng dati niyang mag-aaral at trainee, hindi mawawala kay Maโam Ezra ang lahat ng memorable moments at pagka-proud para sa Olympic medalist na ngayong si Caloy.
โSa Zamboanga del Norte, 16 days kaming magkasama, malayo ang tinutuluyan naming school sa venue ng laro. Two hours ang byahe namin papuntang Polanco Gym. Bilang coach pinaglalaba ko โyan ng damit, inaasikaso mga isusuot niya, pinaiinom ng vitamins, sinasamahan sa pagkain para masiguro na ok siya kasi may hika yan bawal magkasakit kasi malayo kami sa pamilya niya,โ kwento ni Maโam Ezra.
Batid na ni Maโam Ezra na malayo ang mararating ng batang Caloy laloโt kakaiba ang husay at passion na ipinamalas nito sa gymnastics noon pa man.
โAlam ko malayo ang mararating niya kasi โyan talaga ang gusto niya, ang gymnastics. Nung nasa Cagayan de Oro kami sa isang national competition outside DepEd, may lagnat yan, kinabukasan Individual All Around pa si Caloy at sweep niya lahat ng gold.โ
Bilang isang teacher-coach, walang pagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Maโam Ezra para sa dati niyang mag-aaral at trainee at ngayoโy dangal ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 na si Carlos Yulo.
โCongratulations, Caloy! Proud na proud ako sa’yo! Nagbunga na ang mga paghihirap mo sa training. Sabi mo nga, “No pain, no gain!” Now you made it! Olympic gold medalist ka na, di lang isa kundi dalawa pa! Salamat sa karangalang binigay mo sa ating bansa. Your AAQES family is so proud and happy for your achievements!โ pagbati ni Maโam Ezra.
Si Caloy ang unang Pilipinong nagkamit ng gold medal sa Paris Olympics 2024 at kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa larangan ng Gymnastics sa kasaysayan ng Olympics.
Mga larawang ibinihagi ng DepEd NCR at ni Ma’am Ezra Canlas.