โ€œHindi po hadlang ang edad kapag gusto nating matupad ang ating pangarap.โ€

Sa pagnanais na matiyak na nakakakuha ng edukasyon ang lahat ng bata, lalo na sa Sitio Liaonan, Del Carmen, Siargao, muling bumalik sa pag-aaral si Jeneveb โ€œNanay Jenโ€ Abanzado, 38 na taong gulang, upang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang guro.

Kung dati ay hinahatid at sinusundo niya lang ang mga bata gamit ang isang bangka mula sa kanilang isla patungo sa paaralan, ngayon ay kasama na sa pumapasok si Nanay Jen na kasalukuyang isang graduating Grade 12 learner ng Del Carmen National High School Caub Extension.

โ€œNag-enroll po uli ako para po sa lahat ng mga kabataan [lalo na sa aming Sitio] at lalong-lalo na po sa taong may edad na na gusto pa ring bumalik sa pag-aaral,โ€ ani Nanay Jen.

โ€œNapakalaking epekto po nito sa akin dahil nadagdagan po ang aking kaalaman at nakakahikayat po ako ng mga tao na mag-aral muli. At makapagpatuloy na ako sa pagtuturo dahil wala ng nagsasabi na baliw ako at unti-unti matutupad ko ang aking pangarap,โ€ dagdag pa niya.

Noong 2012, bagamat hindi pa nakatapos ng pag-aaral, sinimulan niya ang โ€œSilid-Aralan ni Nanay Jenโ€ sa kaniyang tahanan upang maghatid ng kaalaman sa kaniyang komunidad.

โ€œAng una kong tinuro sa kanila ay paano ba mangarap at ano ang gagawin upang matupad ang pangarap,โ€ wika ni Nanay Jen.

Kwento ni May Shiela Agad, isang School Head, maganda ang naidulot ng pagiging Inang Guro ni Nanay Jen at ng kanyang inisiyatiba dahil mas marami ng kabataan mula sa sitio ang nagpatuloy sa pag-aaral at nahihikayat din ang mga may edad na muling matuto.

โ€œNapakalaking tulong sa paaralan kung may kagaya ni Nanay Jen kasi pinagaan ang mga dapat sana namin na gawin like mag-follow-up sa mga bata from their sitio,โ€ dagdag ni School Head Shiela.

Patuloy na pinatutunayan ni Nanay Jen hindi lamang ang kanyang pagmamahal sa pagtuturo kundi ang kanyang pagkauhaw sa pagkatuto nang pinili niyang sa isang regular school makapagtapos ng Senior High sa halip ng Alternative Learning System (ALS).

Mga larawan mula kay Jeneveb Abanzado.