โ€œTo reach them and be a part of their daily lives is one of my challenges as an ALS teacher.โ€

Isa ang Alternative Learning System o ALS sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon na nagbibigay sa mga out-of-school youth at sa mga hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral noon na matapos ang basic education level.

Sa loob ng 15 taon ng paglilingkod, naranasan na ni ALS teacher Elgie Razada ang ibaโ€™t-ibang hamon tulad ng pagpunta sa mga liblib na lugar at pagbiyahe ng madaling araw upang mapuntahan lamang ang kaniyang learners.

โ€œFirst assignment ko is 2011 sa bayan ng Malilipot, isang malayong lugar sa aking tinitirhan. Kailangang magbiyahe ng madaling araw para maka-abot ng tamang oras sa paaralan. Diretso na agad ako community kung saan nandon ang mga learners kaso ang masaklap ay yong wala kang aabotan na learners. Kailangang puntahan sila sa kanilang mga bahay para alamin kung ano ang sitwasyon nila sa buhay,โ€ ani Teacher Elgie.

Aniya, mabigat sa kalooban niya ang ganoong sitwasyon dahil nakikita niyang may mga learner na kinakailangang unahin ang pagta-trabaho kasya sa pag-aaral dahil kailangan ng kanilang pamilya ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan.

Kung kayaโ€™t naging masigasig si Teacher Elgie na ipaliwanag ang kahalagahan ng ALS sa kinabukasan ng kaniyang learners kung saan โ€œsinikap kong ibagay sa kanila ang aking pagkatao para magkaroon sila ng tiwala sa akin at maturuan sila kung paano sila mkakaalis sa kanilang mga sitwasyon.โ€

Dahil na rin sa kaniyang dedikasyon na itaguyod ang ALS, ginawaran noong 2023 si Teacher Elgie ng โ€˜Philippinesโ€™ Woman of Dedication and Most Innovative Alternative Learning System Teacher of the Yearโ€™ sa ginanap na Dangal ng Lahi Awards dahil sa kaniyang impluwensiya sa pagpapatupad ng programa sa kanilang rehisyon.

Naging finalist din siya noong 2022 bilang โ€˜Most Inspiring ALS Teacherโ€™ sa Albay Recognition of Unconditional and Genuine Action for Nobility (ARUGAN) Awards.

โ€œHindi ko po yon inaasahan [being a Dangal ng Lahi awardee] dahil bilang isang ALS teacher, wala po sa isip ko na sa lahat ng ginagawa ko ay pโ€™wde pala magkamit ng ganoong recognition. Being as an ALS Teacher is purely mission and not just a job,โ€ pagbabahagi ni Teacher Elgie.

Ngayong paparating na National Teachersโ€™ Month, hinimok niya ang mga ALS teacher sa bansa na maging proud sa kanilang piniling career.

โ€œBe proud to be an ALS teacher. Malaki ang naitutulong natin sa bawat komunidad kung saan man tayo sa ngayon. Kaya sa lahat ng kapโ€™wa ko guro, never give up, keep smiling, work hard and be grateful.โ€

Mga larawan mula kay Teacher Elgie Razada.