โNaniniwala po ako na dapat mapukaw โyong kaisipan ng bawat mamamayan patungkol sa responsible environmental stewardship na pwede po nating maituro sa pamamagitan po ng Greenducation.โ
Hindi inaasahan ni Teacher Franco Rino Apoyon o mas kilala bilang Sir Poy ng Kabasalan National High School, Zamboanga Sibugay na ang simpleng pagkilos niya at pagtaguyod ng pangangalagang Inang Kalikasan ang magiging daan upang kilalanin siya bilang isa sa 10
Outstanding Filipinos ng Metrobank Foundation ngayong 2024.
Sa kanyang 11 taon na pamumuno sa Kabasalan National High School Youth for Environment in Schools Organization (KNHS YES-O), isinusulong ni Sir Poy ang Greenducation o ang Green Education that means Environmental Education para ituro ang โinclusive environmental educationโ sa mga kabataang nasa kasulok-sulokan ng mga komunidad o mga last mile at underserved barangays.
โBilang kauna-unahang Head Teacher mula High School (Secondary Education) na nabigyan ng parangal ng Metrobank Foundation since 1985, masayang-masaya po ako at nabigyan po nang pagkakataon ang mga Head Teachers para po maitampok ang storya ng aming pagsisikap at pagsisilbi sa bayan na higit pa sa hiningi at inaasahan sa amin,โ aniya.
Masaya rin si Sir Poy na kumatawan sa mga kabataang guro na nakagagawa ng malaking pagbabago para maiangat ang kalidad ng pagtuturo at mapalawak ang ispasyo para sa mga kabataan na makialam at makilahok sa mga bagay-bagay na maaring makatulong sa lipunan, bayan, at kapaligiran.
โSa pamamagitan po nito, minumulat po natin ang kaisipan ng ating mga kabataan sa totoong estado ng ating kapaligiran, ang kahalagahan nang partisipasyon ng bawat isa sa atin para po mapigilan ang paglala ng estado nito, at ang mga hakbang na pwede nating tahakin para maisaayos yung mga mali at hindi kaaya-ayang practices natin,โ sabi ni Sir Poy.
Sumulat din siya ng isang award-winning na environmental story book na may pamagat na “Ang Paglalakbay ni Papa Gong: Tahanan sa Bakawan” na hango sa pagsisikap ng isang grupo ng mangingisda sa pangunguna ni Ramon Magsaysay Awardee Robert โKa Dodoyโ Ballon na protektahan at mapalago ang coastal wetland sa kanilang lugar sa pamamagitan ng coastal reforestation.
Dagdag pa rito, nagsasagawa rin siya ng mga training-workshop sa dibisyon ng Zamboanga Sibugay para sa produksyon ng โplantable paper,โ isang uri ng papel na gawa sa mga waste papers na layong mabawasan ang kanilang school paper wastes at pabagalin ang deforestation rate na epekto nito.
Bilang isang greenducator, umaasa si Sir Poy na mas marami pa siyang ma-inspire na mga kabataan na makielam sa mga alalahanin ng kapaligiran dahil sila ang sus isa isang โgreen, healthy, at sustainable tomorrow.โ
Mga larawan mula kay Teacher Franco Rino Apoyon.